Wednesday, August 1, 2012


Si BUNSO: Bebe Nathan

  Ala-una ng madaling araw noong Setyembre 21, 2011, isang sanggol ang narinig ang iyak sa unang pagkakataon. Ang uha mula sa aking bunso, ang nagparamdam ng kaligayahan at takot ng pagiging isang tunay na ina.
  Mahigit dalawang kilo(2.3) lamang siya ng lumabas siya sa aking sinapupunan, maliit, ngunit nakikita ko sa kanya ang katangian ng pagiging malakas at matatag. Na sa kabila ng kanyang maliit na pangangatawan, nagagawa niyang lumaban sa bagong mundo sa labas ng aking tiyan.
      Ilang araw mula ngayon ang aking munting anghel ay magiging isang taon na, at ilang araw mula ngayon, si bunso ay magiging ganap ng binata.


Sina ATE: 

Kyla at Sophia

Magkaiba sa maraming bagay, mula sa kulay hanggang sa mga hilig sa buhay.
Si ate Kai  (Nasa Kaliwa) mahilig mag-ayos, magagandang damit ang gusto, sa Maynila lumaki kaya naninibago sa buhay probinsiya.
    Si Sophie (nasa kanan)- mahilig maglaro at may kakulitan. Sa Mindanao lumaki kaya, lolo at lola kanyang madalas maalala. 
    Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, nagkakaisa sila sa pag-aalaga at pagmamahal sa aming pamilya. Hindi maiwasan ang tampuhan ngunit laging pinapaalam na sa mundo walang ibang magtutulungan kundi silang mgakakapatid lang at ilang mga kaibigan.

SILA PAPA at MAMA: Jim at Neri



  Wala kaming magandang larawang magkasama, ngunit kasiyahan lang ang aking narararamdaman tuwing siya ay kasama. Pinipilit maging mabait at mabuting magulang sa aming tatlong anak. Nangangarap na balang araw,  ang aming mga anak ay maging  mabuting mamamayan.




   Isang pamilyang maligaya, pamilyang buo hanggang kamatayan, pamilyang nagmamahalan sa kabila ng mga pagsubok. Ito ang mga taong bumubuo sa aking buhay at pagkatao.